Tuesday, September 16, 2008

"nakakabaliw na araw sa johnzters world"

kaninang umaga nagising ako, ang sakit ng ulo ko, ang sakit ng mata ko, ang sakit pa ng katawan ko... biglang tumawag ang classmate/friend ko na si kim, hala!!! may usapan nga pala kami na magkikita ngayong araw dahil magpapasa kami ng project, dagli dagli akong bumangon at sinagot ang cellphone,..

kim: hoy john anung petsa na dito na ako skul
john: hehe jan ka na ba?? bakit?? hindi ka pa gumagawa ng project noh???
kim: ano ka ba tinatanun g pa ba yun??? syempre naman hindi pa
john: sabi ko na nga ba eh!!!
kim:panu san ka na ba??
john: heto paalis na ako......(nagsinungaling pa hehehe)

ka
ya naman bumangon ako kaagad, sakto naman gising na din ang kapatid ko... papasok din sa
eskwelahan,

sister: pano "bulong"(tawag sakin ng mga close friends ko na tawag na din ng kapatid ko) hindi ka ba mag-a-almusal???
john:syempre nman!!!!
sister: pengeng pera???? sabay lahad ng kamay
john: hoy p*k-p*k ka libre moko!!!
sister: hoy b*r*t!!! wala pa akong baon,,.... ano ka sinuswerte???
john: oh eto na libre mo na ako dali
sister: ayan!!!! madali ka naman pala kausap eh...(tuwang-tuwa sa galak)
john: ayan! mukang pera ka talaga!!!! kamuka mo na si ninoy!!!
sister: wafakelz (salitang imbento nya na ang ibig sabihin ay walang pakialamanan)

dumiretso na ako ng kusina, kumain at diretso ligo na... pagkalabas ko ng paliguan, ang ganda ng palabas sa TV kapuso kasi sa bahay, card captor sakura amf. tinapos ko na muna hanggang isang oras ang itinagal... biglang may tumawag na naman, si julia na pla! kasama ni kim mayroon nang 4 na oras na naghihintay sakin..(ganyan talaga ang sikat masyadong importante... hehehe... joke lang!!!)

julia: hoy patrick(mahina at malumanay nyang boses... bihira mangyari ito!!!! hehehe) hindi na ako nagbibiro sayo... nasan ka na ba??? kapag hindi kapa nagpunta dito sasakalin kita!!!
john: oo paalis na ako....
julia: ampocha(malumanay parin) kanina ka pa papaalis... gaano ba kalaki ang bahay nyo?????
john: sige na sige na nagtaxi pa ako galing banyo(pagbibiro ko lang)

kaya naman nagmadali na akong umalis ng bahay, sumakay ako ng padyak mula sa harap ng bahay hanggang sa divisoria, bata palang ang padyak boy, isip isip ko lang kakayanin ba ako nito??? di kaya magkaluslos ito??? pero dahil nagmamadali na ako hindi ko na lang inisip yon, pagdating ko ng divisorio naknakan naman ng init... hindi pa ako nakakalayo sa amin ay nagtataktak na ang pawis ko, kulang nalang ay magpapaya dance to the tume of kagat labi hehe.
sa jeep lang ako sumakay, ang bagal nya palibhasa ay dalawa palang kaming sakay nya, ibig ibig kong sabihin kay manong na magdasal muna kami ng ama namin dahil daig pa namin ang nagpoprusisyon sa bagal.. sa wakas pagkalipas ng ilang minuto ng prusisyon ay napuno din si manong, kanya nga lang inabutan kami ng traffic, tuluytan nang hindi kumilos ang jeep ni manong prusisyon, ang matindi pa nito ang bango bango ng katabi ko parang hindi nligo ng tatlong buwan sa kasangsangan ng putok nya... pagkalipas ng isang oras at kalahati ng aking expedisyon sa napakahabang lakbayin ng trafficmula divisoria hanggang sa aking unibersidad ay nakarating naman ako ng matiwasay at buhay na buhay... pagdating ko sa eskwelahan ay pinagtitinginan ako ng mga tao, inisip ko tuloy na baka humawa sa akin ang amoy pusali!!!! naku!!!! kaya du miretso ako sa CR at nagpabango ng todo-todo, dumiretso ako kay bumbay(ang aming mahal na taga=print ng project) upang ipa-print nadin ang aking project... kaagad agad akong nagpunta sa fifth-floor ng aking eskwelahan, walang elevator kaya nirayuma ako sa taas ng inakyat ko... sa awa ng diyos ay nakita ko na sila sa aming silid aralan, pagkakitang pagkkita nila sa akin sinabi nila na:

kim: naligaw ka hano???

julia: naengkanto ka???

laking pagtataka ko naman kung bakit nila sinbabi sa akin yun,

john: hindi ahh sobra naman biro yan hehehehehe(tawa lang ng tawa)

kim/julia: hindi kami nagbibiro...

kim/julia: eh bakit ba kasi nakabaligtad ang damit mo???

sa sobrang tagal ko sa traffic sa alikabok at usok na nahigop ng ilong ko, hindi ko man lang namalayan na baligtad pala ang damit ko.. amf. dyahe talaga.. kaya pala sila tumiyingin sa akin, pero inisip ko sin na ayus lang at least hindi ako amoy putok hahahaha

matiwasay kong naipasa ang aking project, nakapagliwaliw din kami sa tom's worls nilibre nila ako in-fairness hahaaha.. ang saya... hanggang alas syete kami nag-la mierda sa mall at umuwi na pagkatapos...

ayun pagdating ko sa bahay bukas ako kaagad ng laptop at nagbasa ng blog ng idol ko na si chris tiu at kc conception, pero medyo matagal na din sila hindi nag po post ng blog, kaya ako nalang ang nag gawa, eto nga pangatlong blog ko na hahha ku ng ano ano lang lumalabas sa isip ko sinasabi ko na sa inyo

hayan dito nagtatapos ang araw ko... magbabasa lang muna ako at matutulog na din

panalangin para sa araw na ito:
lord thank you for giving me all the graces that you've given me, lord please give me a sign if i will still be continuing with my nursing course or if i will follow my heart and choose to transfer to ateneo de manila university and take management instesd... please... io'm begging you give me a sign... lord please always take care of my mother, my grand parents, my sibblings, my relatives, my idols, lord sana si jc o yung katulong ang manalo sa survivor philippines, at thank you for allowing laarni for winning the pda2 thank you lord.... i ask all of these in jesus name

amen.

-john correa

bakit nga ba ako nag-blog???

marahil kung isa kayo sa mga nakakakilala sa akin ay magtataka kayo kung bakit ako nagsimulang mag-blog, dahil unang una hindi naman talaga ako isang extrovert, hindi ko hilig ang makipagsicialize sa ibang tao, medyo naiilang din ako, lalong lalo na ang ikwento sa maraming tao kung ano ang nangyayari sa buhay ko...

ang dahilan talaga nyan ay,

naisipan ko na gumawa ng sarili kong blog dahil nais kong ipahayag kung ano ba ang aking nasa isip sa maraming bagay bagay dito sa mundo, nais kong makilala ng maraming tao, nais kong mapansin at malaman nila na "ui anjan ka pala!" na nandidito ako at nabubuhay, hindi tulad noon na hindi man lang nila malaman kung sino ba ako at kung ano ba talaga ako, lalo na kung ano ang nasa isip ko at kung ano ano ang mga bagay na ginawa, ginagawa at kaya ko pang gawin...

kumbaga eh "i want to be recognized!!!" yun yon eh hehe.....

"pagpapakilala"

marahil ay marami sa inyo na mga kasalukuyang nagbabasa nitong blog na ito ay hindi nakakakilala sa akin...

kaya naman gusto kong magpakilala sa inyong lahat,

ako po ay si john correa, 18 taong gulang at isang estudyanteng naninirahan dito sa kamaynilaan.. ako po ay nasa ika-"third year" ko na sa kolehiyo, kumukuha ng kursong nursing(na labag man sa aking kalooban ay kailangan kong kuhanin at tapusin), hindi ako ganong katangkaran, i only stand "5'6" po. hindi man ako mahilig sa basketball tulad ng karaniwang binatang lalakeng filipino, ay nahilig naman po ako sa paglangoy o "swimming" ito na din siguro ang sport na maituturing ko. unfortunately hiwalay na po ang mga magulang ko, ang mommy ko po ay nakabase na sa paris france habang ang aking ama naman ay bumalik na dito sa pilipinas matapos ang matagal na pamamalagi sa fransya. mayroon akong dalawang kapatid, isang babae at isang lalaki. hindi talaga ako sa maynila ipinanganak at lumaki, doon ako ipinanganak ng aking mommy sa bulacan tulad ng aking mga kapatid, sa aking lola ako lumaki, kaya naman aminado ako na "lola's boy" ako at hindi ko naman itinatanggi iyon at proud pa nga ako. hindi kami ganoon kayaman kaya napilitan ang aking ina na makipagsapalaran sa paris kasama ng aking tito na kanya namang kapatid para narin naman sa aming kinabukasan, sa kasalukuyan ay magsasampung taon nang nasa paris ang aking ina at nakatakdang umuwi sa pilipinas upang magbakasyon sa kaunaunahang pagkakataon buhat nang siya ay lumisan.

tulad ng mga ordinaryong binatang filipino marami din naman akong pangarap, iyon ay ang makapagtapos ng kursong pinili mo sa unibersidad na ninais mong pagtapusan.(ngunit sa kasamaang palad mukang malabo ko itong makamtan), nais ko din sanang makapagpatayo ng sarili kong negosyo upang ito ay mapalago at upang mabigyan ko ng magandang buhay ang aking pamilya. nais ko din sanang maging isang mangaawit, aktor sa pelikula;theatro;at telebisyon, at ang maging isang "host" ng isang programa sa telebisyon. pangarap ko din ang makapunta sa syudad kung saan naruroon ang aking ina, mga pinsan, tio at tita, sa paris. pangarap ko din ang makapagaral ng wika ng banyaga...

mahilig akong kumanta, umarte o ang pagganap sa isang role na bibigyan ko ng buhay, ang pagaaral din naman ay isa kong hilig, mahilig akong magbasa, manood ng pelikula at mga programa sa telebisyon at theatro.

musika talaga ang aking unang pagibig, maliit pa lamang ako ay nahilig na ako sa pagawit at pagsayaw, isang kasiyahan para sa akin ang ipamalas sa lahat kung ano ang aking kakayahan.

marahil ay masyado na itong mahaba para lamang sa pagpapakilala sa inyo,.. kaya dito napo muna ito para sa "pagpapakilala" ko sa inyo,

john correa :D